KND: codename Kulisap next door

Codename: Kulisap (my nom de plume). eto ang nick ko sa chatroom. Kulisap as in Kulit-kausap. Maliit syang insekto pero lumilipad, at saka hindi nangangagat. saka hindi sya tatanga-tanga tulad ng gamo-gamo na nasunog sa kandila. hahaha. Sa maikling paghinga ko dito sa mundong ibabaw, marami na ring pangalan ang itinawag sakin.

  • "JEPOY" ang tawag sakin ni ate Jeana (sya ang nagpauso nyan) at yan na rin halos ang tawag nilang lahat sakin.
  • "JOEY BOI" ang tawag sakin nila Donnie, Chua at Jayson (college buddies ko) dahil yata dun sa tv show ni Mark Herras dati (huh?! anong konek?)
  • "PRES" yan naman ang tawag sakin ng mga kaklase ko nung 4th year. ako kasi ang napagtripan na class president nung section na yun.
  • "MEOW" tawag skin ng napakalambing kong pusa. pinagsisisihan tlga namin na di namnin sya sinama nung lumipat kami bahay. Tama na naiiyak na ko… waaaaaaaaaa
  • "GAYAS" eto naman ang gamit-na-gamit na tawag sakin sa skul. apilido ko kasi.
  • "Pre" tawag sakin ni ate Ollie.
  • "GAYAS, JEFF CHRISTOPHER" tawag sakin ng mga teacher pag first day of classes.
  • "CHRISTOPHER", "CHRIS", "TOPHER" wala pang tumatawag sakin ng ganyan. hehe
  • "ALI" or "ALITAPTAP" tawag sakin ni Erika.
  • "WIWI" tawag ng kalikasan.
  • "SIR" tawag ng mga saleslady
  • "PAPA JEFF" ang tawag sakin ng tropa nila K-ann at jezzel. Lakas Trip eh!
  • "CHESSMASTER" naman ang tawag sakin ni Othaner. kasi chess player ako nung high skul since 1st year ko.
  • "POGI" Ang tawag sakin ng mga mamang hindi ko kakilala. mabuti na rin yun kesa sa "BOY".
  • "TRACER_BULLET" naman ang tawag sakin ng mga kalaro ko sa counter strike. Yun kasi ang gamit kong pangalan sa game na un.
  • "SECRET" ayokong sabihin kung ano ang tawagan namin ng ex ko. Hi, Sugarplum!
  • "DUGDUPPAK–DUGDUPPAK" <*drum sound*> yan naman ang tawag sakin ni Renato tuwing nagkikita kami sa classroom. (ginagawa nya yan with matching kunot ng noo habang nakatitig sakin)
  • "BOY PALTOS" eto naman ang tawag sakin ng kapatid ko nung nakita nya yung mga as in "Mga" paltos ko sa mga daliri ko (naubos nga yung isang box ng bond aid eh, seryoso) ikaw na tumugtog ng drums sa cuneta ng 22 na kanta!
  • "KUYA JEP"naman ang tawag sakin ng mga children sa church namin. Ang kyu-kyut talaga nila!
  • "PASTORITO"naman ang tawag sakin ng mga elders (ate mezhel hindi ko sinabing kasama ka doon)
  • "DUDE" ang tawag sakin ni Lizzie (she calls everybody Dude!)
  • "CUTE" ang tawag sakin ni shane. wag na kayo kumontra!
  • "JESUSFREAK" ang tawag sakin ni emily
  • "BUNSO" naman ang tawag sakin ng mga ka gangmate ko dati Itawag nyo na sakin lahat yan wag nyo lang akong sisitsitan. Baka lapain ko kayo ng buhay. GRRRRRRRR…. pinakamalupit na tawag na gusto… I’m Hoping for a "well done’ thy Good and Faithful Servant" from God when I die. For me thats the greatest compliment one can have.
  • "HOY JEPLOK! andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap!" alis na ko tawag na ko ng ate ko.
  • CIAO!!!

One Response to “KND: codename Kulisap next door”

  1. Kay Says:

    “SISTER BUTTERFLY” ang tawag sakin ni sister khai lolz

Leave a Reply