Sa Aking Prinsesa
Thursday, October 19th, 2006Sa babaeng minahal ko
Mula pa pagkabata,
At patuloy kong mamahalin
Hanggang sa aking pagtanda..
Lumabo man ang mata,
Hindi man makakita;
Lagi paring iibigin,
Hinding-hindi magsasawa.
Mahal ko…
Laman ng puso ko,
Binigyan mo ng sigla
Malungkot kong mundo..
Habangbuhay
Ikay pagsisilbihan,
Pasasayahin,
Kukutusan din minsan.. =)
SA AKING PRINSESA..
Na lagi akong pinapasaya,
Nais kong malaman mo…
MAHAL NA MAHAL KITA…..